Bilang ng mga Filipino sa abroad na nagpositibo sa COVID-19 umabot na sa 10,417 – DFA

Nadagdagan ng 6 ang bilang ng mga Filipino na apektado ng coronavirus disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) (Martes, September 22), nasa 10,417 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 78 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,009 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ayon pa sa DFA, 6,629 naman ang naka-recover o na-discharge na sa ospital.

Ang bilang naman ng mga Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19 ay nasa 779.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na Filipino sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,068 na kaso.

Sumunod dito ang Europe na may 1,176 confirmed COVID-19 positive cases.

Nasa 1,366 naman ang kaso sa Asia Pacific Region at 807 sa Americas.

Read more...