Bilang ng mga nakarecover sa COVID-19 sa Navotas 4,413 na

By Mary Rose Cabrales September 22, 2020 - 08:07 PM

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease o COVID-19 sa Navotas.

Base sa huling datos ng lungsod (alas-6 ng gabi ng Martes, September 22), nasa 4,413 na ang nakarecover sa COVID-19 kung saan 50 ang nadagdag.

Dalawa naman ang naitalang bagong nasawi sa lungsod kaya ang bilang ng COVID-19 related deaths ay 135 na.

Ang bilang naman ng active cases ay 268 kung saan 22 ang nadagdag.

Sa kabuuan umabot na sa 4,816 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Patuloy na paalala ng pamahalaang lungsod ng Navotas na panatilihin ang pagsunod sa mga safety measures para maiwasan ang pagdami pa ng kaso.

 

TAGS: coronavirus, COVID-19, Health, navotas, coronavirus, COVID-19, Health, navotas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.