VP Binay, hindi sumipot sa Senado

July 07, 2015 - 03:47 PM

senate binay seat
Kuha ni Chona Yu

Hindi dumalo sa Vice President Jejomar Binay sa ika-22 pagdinig ng Senate Blue Ribbon sub-committee na nag-iimbestiga sa mga anomalya umano sa Makati City noong ito’y alkalde pa ng Lungsod ng Makati.

Sa kanyang opening statement, sinabi ni Senador Koko Pimentel, Chairman ng sub-committee na una na niyang napagtanto na hindi dadalo si VP Binay sa kabila ng kanilang mga imbitasyon ng kanilang panig.

Kanilang binigyan na aniya ng sapat na panahon ang Pangalawang Pangulo para dumalo sa mga pagdinig at ipaliwanag ang kanyang panig sa mga isyung ibinabato laban sa kanya.

Una rito, nagpadala na ng liham ang blue ribbon sub-committee kay VP Binay na ito na ang “final chance” na kanilang ibinibigay sa upang ipaliwanag ‘point-by-point’ ang mga alegasyon ipinupukol laban sa kanya.

Samantala, ibinunyag ni Senador Antonio Trillanes IV na ginagamit ngayon ni Gerry Limlingan ang kapatid na si Vic Limlingan para magkaroon ng komunikasyon kay VP Binay.

Sinabi ni Trillanes na maaring may holding company si Vic para itago doon ang pera ni Binay.

Kasabay nito, inamin ng Bureau of Immigration na wala silang record na nakalabas na ng bansa ang dalawang ‘top aide’ ni Binay na sina Ebeng Baloloy at Gerry Limlingan.

Ayon kay Immigration spokesman Ellaine Tan, huling entry o arrival ni Limlingan ay noong October 17, 2003 habang September 6, 2014 naman naman ang huling entry ni Baloloy.

Parehong walang record aniya ang BI ng departure nina Baloloy at Limlingan.

Nang tanungin ni Trillanes si Tan kung posibleng dumaan sa backdoor ang dalawa, sinabi ng opisyal ng BI na hindi nila inaalis ang ganitong posibilidad.

Ngunit sinabi din ni Tan na kahit gumamit pa ng private plane sina Baloloy at Limlingan, kinakailangan pa rin ng mga ito na kumuha ng permit sa BI.– Chona Yu/Jay Dones

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.