Bilang ng active cases sa Mandaluyong City nadagdagan

By Mary Rose Cabrales September 22, 2020 - 08:03 PM

Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lungsod ng Mandaluyong.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department (Martes, September 22, 4:17 PM), umabot na sa 569 ang b ilang ng active cases sa lungsod kung saan nakapagtala ng 55 bagong kaso.

Ang bilang naman ng mga gumaling na o naka-recover na ay 3,543 kung saan 134 ang bagong naitala.

Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay umabot na sa 143 kung saan nakapagtala ng 4 na bagong kaso.

Umabot naman na sa 4,255 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Ang bilang ng probable ay 26 habang 1,359 naman ang suspected cases.

 

TAGS: coronavirus, COVID-19, Health, Mandaluyong, coronavirus, COVID-19, Health, Mandaluyong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.