Nadagdagan pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.
Base huling datos mula sa Marikina PIO facebook page (3:00 PM, Martes, September 22) pumalo na sa 2,219 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus.
Sa nasabing bilang, 534 ang active cases.
Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay 63 na.
Ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit ay nasa 1,622 na.
MOST READ
LATEST STORIES