Gonzaga, Cagayan niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na pagyanig ang lalawigan ng Cagayan.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 47 kilometers southeast ng bayan ng Gonzaga, alas-2:24 hapon ng Martes (September 22).

May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...