Rep. Eric Yap handang magbitiw bilang chairman ng House committee on appropriations

By Erwin Aguilon September 22, 2020 - 04:30 PM

File Photo

Handang magbitiw bilang chairman ng House Committee on Appropriations si ACT-CIS Rep. Eric Yap.

Sa pagdinig ng Kamara sa 2021 proposed budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sinabi ni Yap na anumang oras ay handa siyang bitawan ang chairmanship sa komite.

Humingi rin ito ng paumanhin dahil sa pagiging “malambot” at “mahina” sa takbo ng pagdinig sa 2021 proposed P4.5-trillion national budget.

Aminado si Yap na hinayaan at pinagbigyan niya ang ilang mga kongresista na makapagsalita ng lagpas sa kanilang 3-minute rule sa pagtatanong sa mga kawani at opisyal ng mga kagawaran na humarap sa budget deliberation.

Magugunita na noong nakaraang linggo, sa budget briefing ng DPWH, umalma si Negros Oriental Rep. Arnie Teves sa hindi pantay na infrastructure funds share ng iba’t ibang distrito sa bansa sa susunod na taon.

Partikular na tinukoy ni Teves, ang Camarines Sur at Taguig City na napaglaanan ng P11.8 billion at P8 billion sa ilalim ng 2021 budget ng DPWH.

Sinabi ni Teves na masyadong malaki ito kung ikukumpara sa alokasyon para sa ibang mga distrito, kabilang na ang sa kanya sa kabila ng mataas ng kanilang absorptive capacity.

 

TAGS: ACT-CIS Rep. Eric Yap, budget deliberation, Congress, House, House Committee on Appropriations, HRep, ACT-CIS Rep. Eric Yap, budget deliberation, Congress, House, House Committee on Appropriations, HRep

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.