Sa huling datos ng Department of Health (DOH) ngayong araw ng Martes (September 22), umabot na sa 291,789 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 56,097 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,635 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
86.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.2 porsyento ang asymptomatic; 1.3 porsyento ang severe habang 3.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 50 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 5,049 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 450 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 230,643 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.