BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, lagpas 291,789 na

By Dona Dominguez-Cargullo September 22, 2020 - 04:16 PM

Bahagyang bumaba ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa bansa.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) ngayong araw ng Martes (September 22), umabot na sa 291,789 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 56,097 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,635 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

86.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.2 porsyento ang asymptomatic; 1.3 porsyento ang severe habang 3.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 50 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 5,049 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 450 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 230,643 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

 

 

 

TAGS: covid cases, covid19, doh, covid cases, covid19, doh

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.