Kautusan may kaugnayan sa paghingi ng kopya ng SALN sa Ombudsman nilinaw

By Erwin Aguilon September 22, 2020 - 02:29 PM

Inquirer File Photo

Iginiit ni Ombudsman Samuel Martires na tanging ang mga Statement of Assets Liabilities and Networth o SALN lamang na nasa kanilang pangangalaga ang sakop ng kanyang memorandum order number 1.

Sa pagdinig ng Kamara, sinabi ni Martires na hindi saklaw ng kautusan ang mga ilalim ng responsibilidad ng Office of the President, Civil Service Commission, Kamara at ng Senado.

Paliwanag nito, wala sa ilalim ng Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards of Public Official and Employees na ang mga nangangalaga ng SALN ang maglabas ng kopya nito sapagkat ang obligasyon ay nasa mismong kawani ng gobyerno.

Sabi nito, sa kanilang karanansan sa Ombudsman nagagamit lamang ang mga SALN upang siraan ang isang tao lalo na sa media.

Ang nakasaad anya sa batas na ang kopya ng SALN ay hinihingi para gamitin sa mabuting paraan pero iba ang nangyayari.

Dagdag pa nito, mayroong problema sa form ng SALN sapagkat ang nakalagay lamang sa market value ng isang property ay ang acquisition cost at hindi ang kung magkano na ang kasalukuyang value nito.

Dahil dito sabi ng opisyal magbibigay sila ng rekomendasyon sa Kongreso sa kung ano ang mga kailangang baguhin sa kasalukuyang batas.

Nakasaad sa memorandum order number 1 ni Martires na maari lamang makakuha ng kopya ng SALN na nasa kanilang pangangalaga kung ang hihingi ay authorized representative ng gumawa nito; base sa kautusan ng korte may kaugnayan sa pending case, at ang request ay galing sa
Ombudsman’s Field Investigation Office/Bureau/Unit (FIO/FIB/FIU) para sa isinasagawang fact-finding investigation.

TAGS: Civil Service Commission, Kamara, Office of the President, ombudmsn, Ombudsman Samuel Martires, SALN, Senado, Statement of Assets Liabilities and Networth, Civil Service Commission, Kamara, Office of the President, ombudmsn, Ombudsman Samuel Martires, SALN, Senado, Statement of Assets Liabilities and Networth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.