Sa botong 14-0, pinag-tibay unanimously ng mga Mahistrado ng Supreme Court ang inihaing petition for mandamus ni dating Sen. Richard Gordon.
Inatasan ng Supreme Court ang Commission on Elections (Comelec) na i-activate ang receipt-printing feature ng mga gagamiting vote-counting machines sa halalan sa buwan ng Mayo.
Nauna nang sinabi ni Gordon na batay sa implementing rules and regulations ng automated election law sa bansa, ang pag-iisyu ng verified paper audit trail ay bahagi ng mga features sa mga gagamiting makina sa eleksyon.
Pero hindi nangangahulugan na bibigyan ng resibo ang isang botante at papayagan siyang mailabas ito sa mga polling place.
Sinabi ni Gordon na maiiwan ang nasabing resibo sa mga pangangalaga ng mga election supervisors at ilalagay iyun sa isang ligtas na lalagyan na pwedeng gamitin sa audit sakaling may kumuwestyon sa resulta ng mga botong bibilangan ng mga vote-counting machines.
Si Gordon ang author ng automated election noong siya’y mambabatas pa.