Pagbuwag sa Office of the Ombudsman, iminungkahi ni Ombudsman Martires
Iminungkahi ni Ombudsman Samuel Martires na buwagin na lamang ang Office of the Ombudsman.
Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations, sinabi ni Martires na walang matataas na opisyal ang nakakasuhan at napaparusahan sa katiwalian dahil sa kawalan ng ebidensya at testigo.
May mga natatanggap anya siyang reklamo laban sa matataas na opisyal ng mga ahensya ng gobyerno pero kapag sinabihan ang nagrereklamo na gumawa ng affidavit ay umaayaw naman ang mga ito.
Kaya sabi Martires, sinasabihan niya ang mga nagrereklamo na tumahimik na lamang at hindi puro tsismis.
Inihalimbawa nito ang mga sinasabing korapsyon sa Bureau of Customs pero wala namang gustong lumantad upang tumestigo laban sa partikular na kawani o opisyal ng nasabing tanggapan.
Kaugnay nito, hinamon ni Martires ang mga ahensya ng pamahalaan na magkanya-kanya na lamang ng paglaban sa graft and corruption.
Sa ganitong paraan anya, bukod sa pag-abolish sa Ombudsman ay bubuwagin na rin ang Sandiganbayan kung saan nililitis ang mga kaso laban sa mga katiwalian ng mga kawawi ng pamahalaan at kasabwat ng mga ito.
Makakatipid pa anya ang pamahalaan gastos at magagamit ang matitipid na salapi sa pagpapatayo ng pabahay sa mga mahihirap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.