Interest rate sa mga pawnshop iginiit na babaan

Pinababaan ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang interest rate na ipinapataw ng mga pawnshop sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nakasaad sa House Resolution 1212 ni Rodriguez, na napilitan ang ilang mga walang trabaho at walang kita na isanla ang kanilang mga valuables o pagaari upang may ipangkain at ipantustos sa pamilya.

dumami anya nitong nakalipas na buwan ang mga borrowers at nagsasanla sa mga pawnshops dahilan kaya ilang mga sanglaan naman ang nagsamantala sa sitwasyon sa pamamagitan ng pagtataas ng kanilang lending rates.

Binigyang diin ni Rodriguez ang pagsunod sa BSP Circular No. 938 kung saan ipinatatakda sa mga regulators ang mas mababang interest charges.

Ang interest rate at iba pang surcharges mula sa pinapahiram ng mga pawnshops ay nababatay dapat sa kasalukuyang lagay ng merkado at salig na rin sa itinatakda ng Lending Act.

Sinabi pa ng mambabatas na ngayong may pandemya ay nararapat lamang na tulungan ng BSP ang mga apektadong Pilipino dahil maraming problema na ang kinakaharap ng mga ito at hindi na dapat dagdagan at pabigatin ang buhay sa mga ipinapataw na mataas na interest rates.

 

 

Read more...