P14M na halaga ng shabu nakumpiska ng PDEA sa Negros Occidental
Halos P14 na milyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa ikinasang buy-bust operation sa San Carlos City, Negros Occidental.
Ayon sa Police Regional Office-6 (PRO-6) naaresto sa operasyon si Emmanuel Siaboc, 31 anyos na residente ng Barangay 6 sa San Carlos City.
Ayon sa PNP at and Philippine Drug Enforcement Agency-6 ikinasa ang operasyon laban sa suspek sa loob ng isang subdivision sa Barangay 1.
Maliban sa mahigit P13.9 million na halaga, may nakuha ring P200 marked money sa suspek at P100,000 na boodle money.
Nasa kostodiya na ng San Carlos City Police Station ang uspek at inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa kaniya.
Si Siaboc ay itinuturing na high-value target ng PNP Region 6.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.