Publiko patuloy ang pagdating sa Baywalk para masilayan ang Manila Bay
May mangilan-ngilan pa ring nagtutungo sa Baywalk sa Roxas Boulevard para masulyapan ang bagong itsura ng Manila Bay.
Ngayong araw, pinagbigyan ang publiko na maka-akyat sa footbridge at makakuha ng larawan.
Pero saglit lamang sila maaring manatili sa footbridge at hindi pwedeng maramihan o sabay-sabay ang pananatili sa itaas.
Inaatasan din ang mga dumarating na pumila at hintayin ang kanilang panahon para makaakyat sa foot bridge.
Isinara naman muna ang bahagi ng Manila Bay kung saan makikita ang puting buhangin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.