Zero interest Bike Loan Program inilunsad sa Pasig City
Naglunsad ng “Bike Loan Program” sa Pasig City.
Ang loan ay zero interest para sa mga empleyado ng City Government ng Pasig.
Layon nitong matulungan ang mga empleyado ng City Government na makabili ng bisikleta at bike accessories para makatulong sa kanilang transportasyon.
Ang Pasig City Employee Bike Loan ay programa sa ilalim ng Easy Pondong Pasigueno,.
Nagbukas na ang pagtanggap ng aplikasyon para sa bike loan, at ang deadline sa pagsusumita ng aplikasyon para sa eligible employees ay sa Sept. 28.
Sa September 9 naman isasagawa ang official launching ng Pasig City Employee Bike Loan Program.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.