1 patay, 1 sugatan sa shooting incident sa Cebu

Isa ang nasawi habang isa pa ang nasugatan sa insidente ng pamamaril na naganap sa bayan ng Balamban sa Cebu.

Nangyari ang pamamaril sa Sitio Lacdon, Barangay Prenza alas 5:00 ng umaga ngayong Martes, Sept. 22.

Maagang lumabas ang magpinsang sina Dionesio Otapil at Vengie Candia nang sila ay pagbabarilin nang hindi nakilalang suspek.

Nasawi si Otapil habang sugatan naman si Candia.

Ayon kay Police Executive Master Sergeant Benedicto Bobolles ng Balamban Police Station, patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente para matukoy ang motibo sa krimen.

Pinaghahanap na din ang motorcycle tandem na suspek sa pananambang.

 

 

 

 

Read more...