Pangulong Duterte bilib kay DENR Sec. Cimatu sa pagpapaganda sa Manila Bay

By Dona Dominguez-Cargullo September 22, 2020 - 07:22 AM

Binati ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu dahil sa nagawa nitong pagpapaganda sa Manila Bay.

Sa kaniyang televised public address, inalala ng pangulo noong panahon na hiniling niya kay Cimatu na linisin ang Manila Bay.

Agad aniyang kumasa sa hamon si Cimatu.

Ngayon sinabi ng pangulo na nakita na ng publiko ang resulta ng rehabilitasyon sa Manila Bay na mas kaaya-aya nang tignan.

Pinakikinabangan na aniya ng publiko ang resulta ng determinasyon ni Cimatu.

Binanggit din ni Pangulong Duterte kulay puting buhangin na mula sa dolomite stone na aniya ay ine-enjoy na ng publiko.

 

 

 

 

 

 

TAGS: DENR, Inquirer News, Manila Bay rehabilitation project, manila bay sands, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, DENR, Inquirer News, Manila Bay rehabilitation project, manila bay sands, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.