P3.4M na halaga ng shabu nakumpiska sa drug suspect sa Parañaque City

By Dona Dominguez-Cargullo September 22, 2020 - 06:36 AM

Aabot sa P3.4 million na halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa isang drug suspect sa Parañaque City.

Naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 29-anyos na lalaki.

Nagkasa ng buy-bust operation ang PDEA NCR Eastern District Office sa Dr. A. Santos Avenue sa Brgy. San Isidro at nagpanggap na bibili ng ilegal na droga sa suspek.

Nakuha sa suspek ang aabot sa 500 gramo ng hinihinalang shabu.

Ayon sa PDEA, ang suspek ay isa sa mga supplier ng shabu sa southern part at eastern part ng Metro Manila.

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, PDEA, PDEA-NCR, Radyo Inquirer, shabu, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, Inquirer News, News in the Philippines, PDEA, PDEA-NCR, Radyo Inquirer, shabu, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Ad
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.