Pinay na naharap sa kasong murder dahil sa pagpatay umano sa kaniyang amo sa Saudi Arabia pauwi na ng bansa

Nakatakda na ang pagdating sa bansa ng Pinay na si Rose Dacanay Policarpio.

Si Policarpio naakusahang pumatay sa kaniyang amo noong 2013 labinglimang araw lamang mula nang dumating siya sa Saudi Arabia.

Nahatulan si Policarpio sa kasong murder, nakulong at muntik pang mapasama sa death row.

Pero makalipas ang pitong taon, napawalang-sala ang Pinay at napalaya.

Sa mga larawang ibinahagi sa Facebook page ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia, inihatid ni PH Ambassador Adnan Alonto si Policarpio sa paliparan para sa kaniyang pag-uwi sa Pilipinas.

 

 

 

Read more...