Pangulong Duterte kay VP Robredo: ‘Wag mong palalain ang problema
Bumwelta si Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo dahil sa pagbatikos nito sa ginagawang hakbang ng pamahalaan para labanan ang COVID-19.
Sa kaniyang televised speech, hinimok ni Pangulong Duterte ang publiko na huwag maniwala sa mga “dilawan”.
Binanggit din nito ang pangalang “Leni” sa kaniyang speech at sinabihang huwag nang palalain ang problema sa pamamagitan ng pagbatikos.
Ayon sa pangulo, ginagawa ng gobyerno ang lahat. Partikular nitong binanggit si Health Sec. Francisco Duque III na halos hindi na nga aniya nakakatulog at nakakakain ng maayos.
Sinabi ng pangulo na ang tanging magagawa ngayon ng bansa laban sa COVID-19 ay ang pagsusuot ng mask at maghintay ng bakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.