451 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas City

Umabot sa 451 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Linggo ng hapon (September 20), hanggang 5:00, Lunes ng hapon (September 21).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 217 kung saan 117 ang adult habang 100 ang menor de edad.

Sumunod dito ang mga walang suot na face mask o hindi tama ang pagkakasuot nito na umabot sa 213.

13 naman ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Read more...