Awayan sa ‘pork’ sa Kamara, ang pangit tingnan! – Sen. Lacson
Napangitan si Senator Panfilo “Ping” Lacson sa pag-aaway ng ilang miyembro ng Kamara dahil sa ‘pork.’
Sinabi ng senador na kapag nakalimutan ang tamang-asal ng mga opisyal, nababawasan ang respeto ng mamamayan hindi lang sa mga tao kundi maging sa institusyon na kanilang kinabibilangan.
“This early, we are already seeing the ugly effects of pork. More than the possible delay in the passage of the 2021 national budget, any ugly squabble in plenary over the distribution of earmarks a.k.a. “pork” is exactly that – ugly,” aniya.
Dagdag pa nito, kailangang bigyang linaw ang nabuking na kabuuang P135 bilyon para sa 5,913 reappropriated items at P396 bilyon para naman sa lump sum appropriations na nasa punong tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
“It is basic that once an infra project has started its implementation, it is already obligated. Hence, there can be no partial cash allocation, unless that project is discontinued, cancelled, or terminated. Then, the unused portion of the appropriation becomes savings that may be realigned,” sabi pa ni Lacson at dagdag niya, “We were not born yesterday as far as budgeting is concerned.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.