Kaso ng COVID-19 sa Navotas City, halos 4,800 na

Nadagdagan ng tatlo ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 6:00, Lunes ng gabi (September 21), umakyat na sa kabuuang 4,792 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 296 ang aktibong kaso o katumbas ng 6.2 porsyento.

Dalawa naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 4,363 na ang total recoveries o 56 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Isa pa ang pumanaw kung kaya 133 na o tatlong porsyento ang COVID-19 related deaths sa lungsod.

Read more...