Ilan pang barangay quarantine facilities sa Quezon City, binuksan na

By Angellic Jordan September 21, 2020 - 07:36 PM

Patuloy ang pagbubukas ng ilan pang barangay quarantine facilities sa Quezon City.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni Mayor Joy Belmonte sa gitna ng banta ng COVID-19.

Naisaayos na ang quarantine facilities sa pito pang barangay.

Kabilang dito ang mga sumusunod:
– Nagkaisang Nayon
– Sangandaan
– Damayan
– Gulod
– Paang Bundok
– Ramon Magsaysay
– Sta. Teresita

Ilan sa mga naturang pasilidad ay nag-aalaga ng suspect, probable at COVID-19 patients.

Sa ngayon, inaayos na ang mga pasilidad sa San Antonio para umayon sa health standards.

Tiniyak naman ng QC government na handa ang mga barangay sa lungsod sa pagtugon sa mga pangangailangan ng kanilang nasasakupan.

TAGS: barangay quarantine facilities in QC, COVID-19 response, Inquirer News, Mayor Joy Belmonte, quarantine facilities in QC, Radyo Inquirer news, barangay quarantine facilities in QC, COVID-19 response, Inquirer News, Mayor Joy Belmonte, quarantine facilities in QC, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.