Pork Barrel sa ilalim ng 2021 budget, dapat ilaan sa COVID-19 response – Rep. Zarate

By Erwin Aguilon September 21, 2020 - 06:32 PM

Iminungkahi ni Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na magkaroon ng re-alignment sa panukalang 2021 national budget.

Sinabi ni Zarate na dapat ilaan sa paglaban sa COVID-19 ang mga sinasabing  ‘pork allocations’ sa ilalim ng 2021 National Expenditure Program (NEP) upang maayudahan ang mga mahihirap na Filipinong nawalan ng hanapbuhay sa gitna ng pandemya at matulungan ang mga estudyante na makapag-aral ng maayos sa ilalim ng ipapatupad na blended learning.

Nagbabala ang kongresista na dahil sa hindi pantay-pantay na distribusyon ng mga pondo partikular sa infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga distrito ay magiging sanhi pa ito ng pagkadiskaril sa pag-apruba ng pambansang pondo sa 2021.

Itinuturo pa ng mambabatas na dahil sa mala-pork barrel na alokasyon na ito ay maraming pondo sa ilalim ng social services ang natapyasan tulad sa mga pampublikong ospital, eskwelahan at maging social pension na natatanggap ng mga Filipino.

Iginiit nito na ang mga pinagtatalunan ng mga kongresista na hindi patas na alokasyon sa ilang mga proyekto sa ilalim ng pambansang budget, ang P4.5 bilyong confidential at intelligence funds ng Office of the President at ang P19.1 bilyong budget ng NTF-ELCAC na naka-park sa iba’t ibang ahensya ay malinaw na indikasyon na buhay na buhay pa rin ang pork-barrel sa pamahalaan.

TAGS: 18th congress, 2021 national budget, 2021 proposed budget, COVID-19 response, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep Carlos Zarate, 18th congress, 2021 national budget, 2021 proposed budget, COVID-19 response, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep Carlos Zarate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.