PNP, nakatanggap ng 2,200 modified athletic uniforms mula sa PCCI
Nakatanggap ang Philippine National Police (PNP) ng 2,200 bagong modified athletic uniform mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).
Sa simpleng turn-over rites sa Camp Crame, personal na tinanggap ni PNP Chief General Camilo Cascolan ang donasyon mula sa PCCI sa pamumuno ni President at Amb. Benedicto Yujuico.
Nagkakahalaga ng P1 milyon ang natanggap na 2,200 pirasong PNP sweatshirts para sa police frontliners.
“This is a noble move to strengthen the clamor with our stakeholders to show continued support for our police frontliners,” pahayag ni Cascolan.
“These add-on uniforms for our personnel at the field will be more appropriate and functional in purpose,” dagdag pa ng hepe ng PNP.
Nagparating din si Cascolan ng pasasalamat sa PCCI para sa suporta sa pambansang pulisya.
“I would like to give my sincerest gratitude to Ambassador Yujuico for his generosity and unwavering support to the Philippine National Police. Truly, the PNP is pleasant to have PCCI as one of our generous stakeholders,” pahayag nito.
“Makakaasa po kayo na makakarating sa ating mga pulis ang inyong donasyon lalong-lalo na sa aking mga kasamahan na nakatalaga sa mga quarantine checkpoints,” ayon pa kay Cascolan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.