Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang September 21, umakyat na sa 10,411 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 78 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,014 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
25 naman ang bagong gumaling kung kaya 6,619 pa rin ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, isa naman ang napaulat na nasawing overseas Filipino.
Dahil dito, 778 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,068 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,174 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 807 naman ang kaso sa Americas at 1,362 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.