Kompensasyon sa kaanak ng 22 namatay sa Payatas tragedy, binigay na ng QC LGU

By Chona Yu September 21, 2020 - 05:03 PM

Binigyan na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ng kompensasyon ang kaanak ng 22 katao na namatay sa Payatas tragedy noong July 10, 2000.

Nabatid na aabot sa P6 milyon ang pondong inilaan ng Quezon City government para sa kompensasyon.

Tatanggap ang bawat pamilya ng mahigit P110,000.

Personal na iniabot ni Belmonte ang tseke sa isang simpleng seremonya sa Quezon City hall.

Kasabay nito, personal na naibigay ni Belmonte ang titulo ng lupa ng may 217 individuals na miyembro ng Pitogo Homeowners Association.Inc sa Pitogo Payatas Quezon City sa ilalim ng Community Mortgage Program (CMP).

Pinasalamatan naman ng mga taga-Payatas si Belmonte sa aksyon na ginawa nito.

TAGS: compensation to victims of Payatas tragedy, Inquirer News, Mayor Joy Belmonte, QC LGU, Radyo Inquirer news, compensation to victims of Payatas tragedy, Inquirer News, Mayor Joy Belmonte, QC LGU, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.