Override sa Aquino veto sa SSS pension increase, wala nang pag-asa ayon kay Belmonte

By Dona Dominguez-Cargullo March 08, 2016 - 10:20 AM

FILE Photo / Isa Umali
FILE Photo / Isa Umali

Tinapos na ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang pag-aasam ng publiko lalo na ng mga senior citizen na ma-override ang veto ni Pangulong Benigno Aquino III sa panukalang P2000 SSS pension hike.

Ito ay sa gitna ng patuloy na pangangalap ni Bayan Muna Party List Rep. Neri Colmenares ng mga lagda mula sa mga kongresista upang makuha ang numero at ma-override ang Aquino veto sa sesyon ng kongreso sa Mayo.

Sa panayam kay Belmonte, ipinaliwanag nito na wala nang pag-asa ang pagbasura sa veto ng presidente dahil kailangan ng 192 votes o higit pa, pero hindi umano makakamit ito dahil sa kakapusan ng panahon.

Katwiran pa ng house speaker, may mahahalagang bills na dapat maipasa ng kamara kabilang na rito ang PPP bill at iba pang panukala na yari na subalit naghihintay pa ng approval ng Bicameral conference committee.

Sa kabila ng pahayag na ito ni Belmonte, bukas naman siya sa hirit ng Social Security System at iba pang government agencies na dagdag performance bonus.

Ani Belmonte, wala namang problema sa bonus dahil kahit papaano ay ‘entitled’ naman ang mga ahensya rito lalo na kung maganda ang trabaho nila.

Gayunman, kailangan aniyang matiyak na may limitasyon ito alinsunod sa batas.

TAGS: SSS pension hike bill, SSS pension hike bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.