Pagkakaisa ng mga kapwa kongresista, hiniling ni Rep. Yap

By Erwin Aguilon September 21, 2020 - 03:22 PM

Hiniling ni House Committee on Appropriations chairman Eric Yap ang pagkakaisa ng kanyang mga kapwa kongresista sa gitna ng pagdinig sa panukalang P4.5-trillion 2021 national budget.

Ayon kay Yap, hindi magandang nakikita ng publiko na nagpapatutsadahan silang mga kongresista habang tinatalakay ang 2021 proposed budget.

Paliwang nito, matagal nang hindi pantay-pantay ang alokasyon ng bawat distrito pagdating sa infrastructure projects.

Nilinaw naman nito na walang balak si Deputy Speaker Paolo Duterte na magsagawa ng coup d’etat sa liderato ng Kamara matapos madawit ang kanyang pangalan sa bangayan nina Negros Oriental Rep. Arnie Teves at Deputy Speaker Lray Villafuerte.

Pero sakali man aniya na magkatotoo ito, sinabi ni Yap na ang kanyang suporta ay para kay Speaker Alan Peter Cayetano.

Pahayag ito ni Yap kasunod nang bangayan nina Teves at Villafuerte hinggil sa hindi pantay-pantay na infrastructure funds ng mga distrito sa ilalim ng panukalang pambansang pondo sa susunod na taon.

Nauna rito, naglabas ng statement si Duterte kung saan kinumpirma nito ang Viber message na ipinadala sa mga kapwa mambabatas hinggil sa kanyang utos sa Mindanao Bloc na ideklarang bakante ang pwesto ng Speaker at Deputy Speakers sa araw ng Lunes.

Pero paglilinaw ng kongresista, ang kanyang ipinadalang mensahe ay pagpapahayag lamang ng kanyang pagkadismaya sa nangyayaring banggaan dahil sa isyu sa infrastructure projects kung saan ilang mambabatas na rin ang kumausap sa kanya tungkol dito.

TAGS: 2021 proposed budget, coup d’etat, Inquirer News, kudeta sa Kongreso, Radyo Inquirer news, Rep. Eric Yap, 2021 proposed budget, coup d’etat, Inquirer News, kudeta sa Kongreso, Radyo Inquirer news, Rep. Eric Yap

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.