Mga opisyal ng gobyerno binalaan sa hindi maayos na pagtatrabaho

By Erwin Aguilon September 21, 2020 - 12:38 PM

Pinagtatrabaho ng maayos ni House Committee on Appropriations at ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap ang mga opisyal ng gobyerno sa gitna na rin ng nararanasang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Yap, personal siyang nakatatanggap ng mga sumbong gamit ang facebook at email.

Ilan sa mga ito ay galing sa mga kawani ng ahensya ay kung paano winawaldas ng ilang mga opisyal ang pondo ng kagawaran.

Gamit anya ang makabagong teknolohiya ay mabilis na nakapagsusumbong ang mga empleyado ng pamahalaan laban sa kanilang mga tiwaling opisyal.

Dahil dito, kapag humaharap na sa budget hearing ng kanyang komite ang inirereklamong opisyal para humingi ng pondo ay sinasabi nito ang mga sumbong upang mabalaan na rin na gawin ng maayos ang tungkulin.

 

 

 

 

TAGS: eric go yap, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, eric go yap, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.