Majority Leader Romualdez kumpyansa na nais ituloy ni Pangulong Duterte ang pagiging pinuno ng Kamara ni Speaker Cayetano

By Erwin Aguilon September 21, 2020 - 11:59 AM

Naniniwala si Majority Leader Martin Romualdez na nais ipagpatuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagiging House Speaker ni Rep. Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Romualdez, kitang-kita na nalulugod si Pangulong Duterte habang kinakausap nito ng masinsinan si Cayetano bago umalis.

Sinabi na ng kongresista na tumatango pa nga ang Presidente na isang malinaw na indikasyon na nais ng Ekekutibo na ituloy ng Speaker ang mga pangunahing legislative agenda ng palasyo.

Dagdag pa ni Romualdez, maging ang mayorya ng mga myembro sa Mababang Kapulungan ay masaya sa ilalim ng pamunuan ni Cayetano dahil maraming mga batas ang naaprubahan sa kabila ng hamong kinakaharap dahil sa COVID-19 pandemic.

Noong nakalipas na linggo ay nagpulong sa Malakanyang sina Cayetano, Romualdez, Senate President Tito Sotto III, Senator Bong Go at ang Pangulo para pagusapan ang pagpapalakas ng gobyerno sa kampanya kontra red tape at korapsyon.

TAGS: House Speakership, Inquirer News, Martin Romualdez, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, House Speakership, Inquirer News, Martin Romualdez, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.