Albuera, Leyte niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang lalawigan ng Leyte.

Ayon sa Phivolcs ang pagyanic ay naitala sa 13 kilometers northeast ng bayan ng Albuera, 9:49 ng umaga ng Lunes (Sept. 21).

May lalim na 4 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.

Naitala ang sumusunod na intensities:

Intensity III – Ormoc City
Intensity II – Dagami, Leyte

Ayon sa Phivolcs hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang lindol.

 

 

 

Read more...