Handa na ang Philippine Delegation na ilatag sa Arbitral Tribunal ang kaso nito laban sa ginagawang expansion ng China sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippines Sea.
Ang Philippine delegation na pinangungunahan ni Solicitor-General Florin Hilbay at Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ay nakatakdang ilatag ang kanilang argumento sa Permanent Court of Arbitration sa Peace Palace, the Hague, Netherlands alas 2:30 hanggang alas 5:00 ng hapon, oras sa Netherlands.
Si Solgen Hilbay ang magbubukas ng presentation, si Sec. del Rosario ang magpapaliwanag kung bakit nagsampa ng reklamo ang Pilipinas at ang kinatawan ng law firm na Foley Hoag na si Atty Paul Reichler ang maglalatag ng mga argumento patungkol sa jurisdiction.
Ang buong delegasyon ay sasaksihan ang buong proceedings na kinabibilangan nina Speaker Feliciano Belmonte Jr., Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr., Supreme Court Associate Justices Antonio Carpio at Francis Jardeleza, Defense Secretary Voltaire Gazmin, Justice Secretary Leila de Lima at ng Chief Presidential Legal counsel. / Alvin Barcelona