Manila Bay Sands pinalalagyan ng barikada ni Mayor Isko Moreno sa DENR

By Dona Dominguez-Cargullo September 21, 2020 - 10:14 AM

Hiniling ni Manila Mayor Isko Moreno sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na lagyan ng barikada ang Manila Bay Sands.

Kasunod ito ng insidente ng pagdagsa ng mga tao sa lugar nitong nagdaang weekend.

Ayon kay Moreno, hiniling na niya sa DENR na bakuran ang lugar, lalo pa at mayroon pang nagpapatuloy na konstruksyon.

Magugunitang nitong weekend, dumagsa ang mga tao sa lugar na nais tignan ang mas magandang itsura ng Manila Bay.

Sa kabila ng presensya ng mga otoridad, hindi napigilan ang pagsisiksikan ng mga tao at nalabag na ang protocol sa social distancing.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, DENR, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Manila Bay, Mayor Isko Moreno, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, DENR, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Manila Bay, Mayor Isko Moreno, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.