Hinihinalang miyembro ng Daulah Islamiyah terror group naaresto sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo September 21, 2020 - 09:59 AM

Arestado sa Quezon City ang isang hinihinalang miyembro ng teroristang grupo na Daulah Islamiyah.

Inanunsyo ni Philippine National Police chief Gen. Camilo Cascolan ang pagkakaaresto kay Kevin Madrinan na kilala din sa alyas na Ibrahim Abdullah Madrinan at Ibrahim Khalil Al-Garaba.

Nadakip si Madrinan ng mga tauhan ng PNP Intelligence Group ng Quezon City Police District noong Sabado (Sept. 19) ng hapon sa Atherton Street corner Burbank Street sa North Fairview.

Nakuhanan siya ng kalibre 45 na baril, isang granada at P3,000 na cash.

Ayon kay Cascolan batay sa isinagawang background investigation si Madrinan ay isang Balik-Islam at contact person at liaison sa Luzon ng mga miyembro ng Daulah Islamiyah mula Maguindanao.

Ayon kay Cascolan, inamin ni Madrinan ang pagiging Luzon liaison ng Daulah Islamiyah.

Responsable din si Madrinan sa pagre-recuirt ng Balik-Islam converts at pagproseso ng biyahe nila patungong Mindanao para sumailalim sa pagsasanay at jihad exposure.

 

 

 

TAGS: Daulah Islamiyah, Inquirer News, News in the Philippines, PNP, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, terror group, Daulah Islamiyah, Inquirer News, News in the Philippines, PNP, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, terror group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.