Global cases ng COVID-19 mahigit 31.2 million na
Umabot na sa mahigit 31.2 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Lunes (Sept.21) ay 31,220,096 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 242,500 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 32,800 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 87,300 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapagtala ng dagdag na 16,200 na mga kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 7,001,273
India – 5,485,612
Brazil – 4,544,629
Russia – 1,103,399
Colombia – 765,076
Peru – 762,865
Mexico – 694,121
South Africa – 661,211
Spain – 659,334
Argentina – 631,365
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.