Sako na naglalaman ng mga pampasabog itinapon malapit sa blast site sa Jolo, Sulu

By Dona Dominguez-Cargullo September 21, 2020 - 09:33 AM

Dalawang suspek na sakay ng motorsiklo ang nagtapon ng sako malapit sa pinangyarihan ng kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu kamakailan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) itinapon ang sako pitong metro lang ang layo sa Coast Guard Station sa Sulu.

Sinabi ng Coast Guard na agad isinailalim sa lockdown ang lugar at agad rumesponde ang mga tauhan ng Metro Jolo Interagency Task Group (MJIATG), Philippine Army (PA), at Philippine National Police (PNP) para magsagawa ng proper explosive disposal.

Ayon sa Coast Guard kabilang sa mga nakuha ay isang rifle grenade, isang motorcycle spark plug, apat na piraso ng improvised electric blasting caps, 26 na piraso ng concrete nails, at maraming solid strand wire.

 

 

TAGS: blast site, coast guard, Inquirer News, Jolo Sulu, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, blast site, coast guard, Inquirer News, Jolo Sulu, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.