10 aftershocks naitala na sa Surigao Del Sur matapos ang magnitude 6.1 na pagyanig

Hanggang alas 8:00 ng umaga ngayong Lunes, Sept. 21 nakapagtala na ng 10 aftershocks sa Surigao del Sur.

Kasunod ito ng magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Bayabas, Surigao del Sur kaninang 6:13 ng umaga.

Ayon sa datos mula sa Phivolcs, sunud-sunod na aftershocks na ang naramdaman sa lalawigan.

Pinakamalakas ang magnitude 5.3 na naitala alas 6:21 ng umaga na ang epicenter ay sa bayan pa rin ng Bayabas.

May naitala ding magnitude 4.1 na aftershock alas 7:14 ng umaga sa naturang bayan pa din.

Bagaman may mga mararanasang aftershock sinabi ng Phivolcs na hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang malakas na lindol.

Narito ang mga magnitude ng naitalang aftershocks:

– 6:16AM Magnitude 3.1 (Bayabas, Surigao del Sur)
– 6:21AM Magnitude 5.3 (Bayabas, Surigao del Sur)
– 6:28AM Magnitude 3.6 (Bayabas, Surigao del Sur)
– 6:37AM Magnitude 3.1 (Madrid, Surigao del Sur)
– 6:40AM Magnitude 2.2 (Bayabas, Surigao del Sur)
– 6:58AM Magnitude 3.8 (Bayabas, Surigao del Sur)
– 7:05AM Magnitude 2.1 (Bayabas, Surigao del Sur)
– 7:14AM Magnitude 4.1 (Bayabas, Surigao del Sur)
– 7:19AM Magnitude 3.0 (Bayabas, Surigao del Sur)
– 7:34AM Magnitude 2.6 (Cortes, Surigao del Sur)

Read more...