Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan

Nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 177.66 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (September 21) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 177.81 meters.

Bahagya ring nabawasan ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.52 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 99.58 meters habang bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 79.11 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 79.10 meters.

Samantala, ang water level ng Ambuklao,Pantabangan at Caliraya dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Binga, San Roque, at Magat dams.

 

 

Read more...