Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 66 kilometers northeast ng bayan ng Bayabas, alas-6:13 umaga ng Lunes (September 21).
May lalim na 77 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala ang instrumental intensity 1 sa Surigao City; Gingoog City.
Ayon sa Phivolcs walang inaasahang pinsala sa nangyaring lindol, pero maari itong magdulot ng mga aftershocks.
Kaninang 6:21 ng umaga ay nakapagtala na ng magnitude 5.3 na aftershock.
May naitala ding magnitude 3.1 kaninang 6:16 ng umaga at magnitude 3.6 kaninang 6:28 ng umaga.
Sa panayam ng Radyo INQUIRER sinabi ni Phivolcs Dir. Renato Solidum, sa karagatan tumama ang pagyanig.
At dahil may kalaliman, ay hindi inaasahang magdudulot ito ng pinsala at tsunami.