Mahigit 1,500 na Overseas Filipinos nakauwi sa bansa nitong weekend

By Dona Domiguez-Cargullo September 21, 2020 - 06:37 AM

Nitong nagdaang weekend patuloy ang repatriation ng mga Overseas Filipinos mula sa mga bansang naapektuhan ng pandemya ng COVID-19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kabilang sa mga umuwi ay ang 280 na overseas Filipinos mula sa Muscat City sa Oman.

Mayroon ding mahigit 500 overseas Filipinos na galing Saudi Arabia ang dumating sa NAIA lulan ng dalawang magkahiwalay na flights.

Sakay naman ng DFA-facilitated flight galing sa UAE ay dumating sa bansa ang mahigit 250 overseas Filipinos.

Habang 200 pa na OFs mula sa Qatar ang nakauwi na sa bansa at 250 naman mula sa Turkey.

Kahapon mayroon ang 32 na stranded Filipinos ang dumating sa bansa sakay ng special chartered flight galing sa Myanmar.

Dona Domiguez-Cargullo

Excerpt: Ang mga umuwing OFs nitong weekend ay mula sa Oman, Saudi Arabia, UAE, Qatar, Turkey at Myanmar.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, DFA, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, myanmar, News in the Philippines, oman, Qatar, Radyo Inquirer, repatriation, saudi arabia, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Turkey, UAE, covid pandemic, COVID-19, department of health, DFA, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, myanmar, News in the Philippines, oman, Qatar, Radyo Inquirer, repatriation, saudi arabia, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Turkey, UAE

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.