Baguio City nakapagtala ng 43 bagong kaso ng COVID-19

Umabot sa 43 ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa Baguio City.

Sa datos mula sa Baguio City Public Information Office, sa nasabing bilang, 33 ay pawang contacts ng mga nauna nang nagpositibo sa sakit.

Sampu sa kanila ay mula sa slaughterhouse area na nagkaroon ng clustering ng kaso.

Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, 38 na ang kaso ng COVID-19 sa slaughterhouse.

Kahapon, iniutos ni Magalong ang pagpapatupad ng hard lockdown sa slaughter area at sa lagoon area sa loob ng 14 na araw.

Ayon kay Magalong, ang Social Welfare Office ay inatasang suplayan ng pagkain ang tinatayang 50 pamilyang apektado ng lockdown.

Ang Baguio ay mayroong 176 na aktibong kaso ng COVID-19.

376 naman na ang gumaling habang 12 ang pumanaw.

 

 

 

Read more...