Sagbayan, Bohol niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang lalawigan ng Bohol.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 6 kilometers northeast ng bayan ng Sagbayan, alas-3:18 madaling araw ng Lunes (September 21).

May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang instrumental intensity 1 sa Lapu-lapu City.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

Read more...