Bilang ng active cases sa Mandaluyong City nadagdagan

By Mary Rose Cabrales September 21, 2020 - 04:52 AM


Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lungsod ng Mandaluyong.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department (Linggo, September 20, 3:26 PM), umabot na sa 673 ang b ilang ng active cases sa lungsod kung saan nakapagtala ng 37 bagong kaso.

Ang bilang naman ng mga gumaling na o naka-recover na ay 3,333 kung saan 38 ang bagong naitala.

Nanatili naman sa 136 ang bilang ng nasawi.

Umabot naman na sa 4,142 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Ang bilang ng probable ay 23 habang 1,794 naman ang suspected cases.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, Health, Mandaluyong City, coronavirus disease, COVID-19, Health, Mandaluyong City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.