Bilang ng pamilyang naayudahan sa 2nd tranche ng SAP, higit 13.88 milyon na

By Angellic Jordan September 20, 2020 - 06:03 PM

Patuloy pa rin ang pamimigay ng tulong-pinansiyal sa ilalim ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Umabot na sa kabuuang 13,886,020 pamilyang benepisyaryo na ang nakatanggap ng cash aid.

Ito ay batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development hanggang 8:00, Sabado ng gabi (September 19).

Dahil dito, tinatayang P82.9 bilyon na ang nailabas ng DSWD para sa 2nd tranche ng SAP.

Sinabi pa ng kagawaran na tuloy pa rin ang pamamahagi ng emergency subsidy sa mga benepisyaryo ng SAP, kabilang ang mga “waitlisted” o karagdagang mga pamilya.

TAGS: COVID-19 response, Inquirer News, Radyo Inquirer news, SAP 2nd tranche, SAP cash aid, SAP cash assistance, sap distribution, SAP DSWD, social amelioration program, COVID-19 response, Inquirer News, Radyo Inquirer news, SAP 2nd tranche, SAP cash aid, SAP cash assistance, sap distribution, SAP DSWD, social amelioration program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.