DOLE, tiniyak ang buong suporta sa 2 nakaligtas at iba pang nawawalang Filipino seafarer sa Japan
Magbibigay ng buong suporta ang gobyerno sa Filipino crew members na lulan ng lumubog na Panamanian-registered M/V Livestock 1 sa Japan, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kasama rito ang dalawang nakaligtas sina Chief officer Eduardo Sareno at deck crew Jay-nel Rosales, ang pamilya ng nasawing si Joel Canete Linao, at iba pang nawawala.
“They will get help from government in the form of livelihood assistance and other benefits,” pahayag ni Bello.
Aniya pa, “we are also looking at possible job opportunities for them in other shipping companies in case they want to get back at work as soon as possible.”
Nagsimula na aniyang makipag-ugnayan ang kagawaran sa foreign employers na nangangailangan ng overseas Filipino workers (OFWs).
Samantala, inihayag ng kalihim na ang Filipino seafarers ang isa sa mga pinakamatapang sa buong mundo.
“I admire the never-say-die attitude of our seamen in the face of great danger, a trait common to many Filipinos particularly our OFWs… Filipino seafarers are one of the bravest in the world. That’s why many employers prefer their company at sea,” ani Bello.
Nakauwi na ng Pilipinas sina Sareno at Rosales sa pamamagitan ng Philippine Airlines flight mula Tokyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.