Ika-83 Malasakit Center sa bansa, binuksan na

Binuksan na ang ika-83 na Malasakit Center sa bansa.

Ayon kay Senador Bong Go, nasa Oriental Mindoro Provincial Hospital sa Calapan City ang bagong Malasakit Center.

“Bukas na sa wakas ang pinakaunang Malasakit Center sa inyong probinsya. Ito po ang ika-83 sa buong bansa. Matutulungan na rin sa wakas ng opisinang ito ang ating mga kababayan sa kanilang pangangailangang pangkalusugan,” pahayag ni Go.

“Zero balance ang target natin dito sa Malasakit Center kaya dapat lamang na hindi na matakot ang ating mga kababayan diyan sa Oriental Mindoro na pumunta sa Oriental Mindoro (Provincial) Hospital para magpacheck-up, at magpagamot dahil tiyak na matutulungan kayo ng Malasakit Center,” dagdag ng Senador.

Nasa Malasakit Center na ang paghingi ng pinansyal na ayuda sa Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Charity Sweepstakes Office at PhilHealth.

“At sa mga probinsya naman po na gustong maglagay ng Malasakit Center ay pwede po silang maglagay katulad ng Oriental Mindoro, sumunod lang po sa criteria,” pahayag ni Go.

Read more...