Claveria, Masbate niyanig ng magkasunod na lindol

By Angellic Jordan September 20, 2020 - 01:17 PM

Nakaramdam ng dalawang lindol ang Claveria, Masbate Linggo ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, unang tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa 25 kilometers Southwest ng nasabing bayan bandang 11:12 ng umaga.

Apat na kilometro ang lalim ng lindol.

Bunsod nito, naitala ang Intensity 2 sa Claveria.

Bandang 11:50 naman ng umaga, yumanig ang magnitude 3.8 na lindol sa naturang bayan.

Tumama ang lindol sa 15 kilometers Southeast ng Claveria na may lalim na isang kilometro.

Naitala rin ang Intensity 2 sa Claveria matapos ang lindol.

Kapwa tectonic ang origin ng dalawang lindol.

Sinabi naman ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala at inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

TAGS: Claveria, Inquirer News, magnitude 3.6 quake, magnitude 3.8 quake, Masbate, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer news, Claveria, Inquirer News, magnitude 3.6 quake, magnitude 3.8 quake, Masbate, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.